Hahay, di ko akalaing nakatagal na naman ako ng isang taon sa mundong ibabaw. Ang daming mga kaganapan, sa loob at labas ng ating bansa. Pero, wala na ako paki doon, kasi, trabaho na ng ABS-CBN at GMA kung ano ang mga nangyari sa nakalipas na 365 na araw. Magmumuni-muni na lang ako sa aking nakaraan, dahil, wala namang paki yung dalawang “giant” networks sa talambuhay ko, hehehe.
Hmmm… paano ba nagsimula taon ko. Ayun! Syempre, di ko akalaing ang pangarap ng mga magulang ko na makatapos ng kolehiyo ay natupad na. Sa wakas, natapos na rin ang humigit kumulang 4 na taon at 7 buwan ng buhay kolehiyo, at pwede na nila akong sipain palabas ng bahay nila, tutal, tapos na ang responsibilidad nila sa akin. Pero sana huwag…
Ayun na nga, nakalayas na ako sa (masyadong makasalanan ang mga salitang ito) este sa “Mapua Institute of Technology” at magkakatrabaho na ako, bwahahahah!!! Oops, hindi pa pala. Well, yan na nga, di ko akalaing makakagraduate pa ako kahit papaano. Grumaduate ako noong Pebrero kahit alam kong huling huli na ako… Better to be late than never…
Ano pa ba, ah, ayun. Nakakilala rin ako ng mga bagong kaibigan na galing rin sa Mapua. Buong buhay ko sa Mapua, ang mga naging kaibigan ko lang ay yung mga kakurso ko at yung mga alumni ng high school ko na sa Mapua rin nagkolehiyo. Pero, dahil sa teknolohiya, ayun, nagawa kong makakilala ng ibang mga Mapuans na mas bata (oo na, pero 1-5 years lang naman difference, di naman halata…) sa akin. Laking pasasasalamat ko sa kanila dahil napakalaki ng naitulong nila sa akin.
Naalala ko nung sinabi ng isa kong instructor na para sa aming mga ECE students, hindi raw namin masasabing ehinyero talaga kami, kung wala kaming lisensya bilang ehinyero, dahil, nakasaad iyon sa batas. Hindi raw kami instant engineers (no offense sa mga hindi kinakailangan ng board exams para maging ehinyero). Kahit kulang sa preparasyon, nagdesisyon ako na kumuha ng board exam. Kahit papaano, naranasan ko ang mga “extremes” ng mga panahong ito. Imaginin nyo na lang, yung pinag-aralan nyo ng 4-5 taon, pipilitin nyo ulit alalahanin sa loob lamang ng humigit-kumulang 3 buwan. Tapos, nagsarili pa ako sa isang dormitoryo. At dahil dito, bumigay ang katawan ko. Tsk.
Sa kasamaang palad, hindi ako nakapasa…
Wala naman akong regrets, pero, paminsan, nanghihinayang ako sa mga sakripisyo ng mga taong umaasang makakapasa ako, at sa mga taong tumulong sa akin (meron nga ba?) ng mga panahong ito. Anyway, tapos na iyon. Naiiyak ko na iyon at may trabaho na ako. Aanhin ko pa ba yung lisensya, kung di ko naman kailangan nyun sa trabaho, hehehe. Pero, maganda talaga ang opportunity na mapahanap ng trabaho kapag lisensyado ka.
Ano pa ba? Hmmm… pagkatapos rin ng mga ilang araw na paglilibot sa iba’t ibang lugar sa Manila, Cavite at Laguna para maghanap ng trabaho, ayun, nakakuha ako ng pagkakataong magtraining sa Lufthansa Technik Philippines. Hindi ko alam kung may kinalaman erpats ko rito, pero, ginawa ko naman parte ko, para masabing dumaan ako sa proseso ng pag-eemploy sa akin. Nagsimula ako ng May, pero, hindi ko rin tinapos at umalis na rin ako after 4 months. Bakit? Unang una, ayoko ring “maovershadow” ako ng erpats ko. Baka sabihin kaya ako nandun, dahil sa erpats ko. Hindi lang naman ako may ganung sitwasyon, dahil karamihan sa mga trainees, may padrino sa loob ng Lufthansa. Siguro, kaya talaga ako umalis, kasi, baka naimpluwensyahan ako ng erpats ko na gayahin siya, kahit hindi ko naman linya ang tungkol sa eroplano. Ayun, nung nagkaroon ako ng opportunity na magtrabaho sa isang callceter company na kahit papaano, may koneksyon naman sa kurso ko ang trabaho.
Bago pala ako sa pagtratrabaho doon, nag-apply din ako sa iba’t ibang mga kompanya. At sa kasamaang palad, habang ako’y papauwi galing sa paghahanap ng trabaho, naranasan kong maholdup habang nasa loob ng isang pampublikong sasakyan. Gusto ko sana lumaban noon, pero, ano magagawa ko laban sa baril? Hindi naman sa hindi ako takot mamatay, pero, ang inaalala ko lang, baka may madamay pang iba, at kung ako naman ang madale, maraming magagalit at maghihinagpis (?!) ng dahil sa akin…
Back to my call center days, ayun napasok ako sa engineering at IT department. Masaya ako dahil may sweldo ako rito at kahit papaano, ang trabahong ito ay may koneksyon sa kursong kinuha ko, at sa sobrang saya ko, nakalimutan kong nasa call center ako. Sa kasamaang palad, pag nasa call center ka, magiging abnormal na ang gising at tulog mo. Nagkasakit ako habang nagtratrabaho. At hindi lang ordinaryong sakit, inatake na pala ulit ako ng sakit ko. Sa ngayon, ok na ako, pero, nakagawa na yung sakit ko ng damage, ika nga. Tumaas na naman BP ko at ayun, confirmed na sa edad na (manghula na lang kayo ng edad) ay may 1st level hypertension na ako. Pasalamat na lang ako at nagdesisyon sila na bigyan ako ng panibagong kontrata. Yun nga lang, tinanggihan ko na. Sa ngayon, hindi pa ako nagtratrabaho, pero, magsisimula na ulit ako sa susunod na taon. Pumasok ako sa Bauer Philippines, na isang environmental at sanitary engineering company. Kinontrata ng Manila Water Services ang Bauer para sa isang water pumping station sa Taguig. Member ako ng staff na maninigurado na safe yung iinuming tubig ng mga Taguig. So mga taga Taguig, behave kayo, kung hindi, bwahahaha!!!
Oh well, so, eto recap:
Grumaduate ako…
Nagreview ako para sa board exams at bumagsak…
Nagkaroon ng blog…
Nagkaroon ng training at trabaho…
Nawalan ng cellphone ng dalawang beses…
Inatake ulit ng sakit ko…
At naging hypertensive ako ng dahil dito…
At last but not the least, nagkaroon ng mga bagong kaibigan…
At iyan na ang… teka, parang may kulang, ah ayun. Dahil sa mga bagong kaibigan ko, ayun, nakakita ako ng inspirasyon at… nainlove ata ako, hehehe…
Tagal ko na ring hindi nainlove, at ayun na nga… Nainlove na ako sa kanya. Well… hehehe, hanggang dun na lang yung detalye nun…
Well, I have my ups and downs this year. Lahat naman, nakakaranas nun. Pero, di ko alam kung bakit masyadong mataas yung level ng pessimism saka ng insecurities ko ngayong taong ito. Hehe, kasi graduate na ako? Kasi, dahil ba sa sakit ko? Ewan…
But somehow, I manage to “survive” it, even if I already say it’s over. And I know one reason; my love ones are there to back me up. Even though I have given up, they’re still there to support me and make me believe I can still fight and everything will gonna be alright. To my family, relatives, friends and inspiration (?!), all I can say is thank you for all the love and support. If not for you, I really am not sure if I’m still here. The only thing that I can do for you is my love and my prayers. Hindi ko alam kung paano ako babawi, pero, babawi rin ako sa inyo.
Amf nagdrama…
Well, ayan na nga, sana ay maging maayos ang darating na bagong taon para sa ating lahat. Manigong Bagong Taon po! Ingat po sa pagpapaputok. Gumamit kayo ng kapote, uulan daw. Mahirap na magkasakit hehehe! Mas mabuti pang magblow na lang kayo ng horn, para safe bwahahahha!!!
Sige, at aasikasuhin ko pa yung sawa at sinturon… Kung Hei Fat Choi na lang sa inyo nyahahaha!!!

