Eto ang payslip…
Dito mo makikita kung magkano ang nakulimbat mo sa kompanyang nauto mo para nakawan mo sila…
Dito mo makikita kung magkano ang mananakaw sa iyo ng iyong ama, ina, kuya, ate, nakababatang kapatid at kung sino sino pa sa iyong extended na pamilya…
Dito mo makikita kung magkano rin ipapanakaw mo sa gobyerno…
Dito mo makikita na kapag binibigyan ka na nito, sa malamang, hindi ka na bibigyan ng baon ni mommy at daddy…
Kaya kung papipiliin ka, anong gusto mo, maging estudyante at pensyonado ng magulang, o maging trabahador at hindi pensyonado ng magulang?
P.S. Wala lang akong magawa… demet, halos wala nang natira sa sweldo ko… di ko man lang mapaburger sarili ko… ![]()

Saturday, 3-May-2008 at 9:02
hehehehe. welcome back to the working world drei.
ano kaya mararamdaman ko once makuha ko ang kauna-unahang MD payslip ko?