0445-0515 hrs: Maliligo, magbibihis at mag-aayos ng gamit na dadalhin sa opisina…
0515-0545 hrs: Kakain ng almusal… magtutoothbrush pagkatapos kumain ng almusal… last check ng mga kung anu-ano bago pumasok…
0545-0630 hrs: Kung suswertehin, pang-umaga rin si erpats, kaya makikisabay sa tsikot papuntang opisina. Kung mamalasin, gagastos ng P12 palabas patungong Zapote, P13.75 patunong Airport Road, 5 minutong paglalakad hanggang sakayan papuntang gate 1 ng PAL, at P7.50 papuntang Gate 1, para hintayin ang shuttle papuntang hangar ng LTP.
0645 hrs: Dadating sa hangar, maglologin sa PC, dadaan ng vending machine para bumili ng mainit na kape, papasok sa opisina, bubuksan ang sariling PC, magsusuot ng jacket, titignan ang balita sa CNN, at mag-uubos ng oras hanggang 0730 hrs.
0730-1000 hrs: Simula ng trabaho. Kabilang na rito ang pababasa ng mga AMM, pakikipagdiskusyon sa mga senior engineers, pakikipag-usap sa mga mekaniko na naguguluhan sa mga dapat gawin at pagtutunganga sa PC habang nagtataype ng kung anu-anong mga letra’t numero na ikakahilo mo, dahil na rin siguro sa tulong ng malamig na opisina.
1005-1015 hrs: First paid break. Bibili ulit ng kape, at lalabas papuntang parking space at lalasapin ang ultraviolet rays ni Haring Araw…
1015-1130 hrs: Back to work…
1130-1230 hrs: Lunch break… Titingin ng kung anu-ano sa cyberspace, dahil sa mga oras na ito, hindi blocked ang access. Most of the time, pahinga, kasi, kung gagawa ka ng trabaho, baka mabatukan ka pa ng mga senyores. Di naman raw kasi kami binabayaran sa mga oras na ito.
1230-1500 hrs: Back to work ulit…
1500-1515 hrs: Pangalawang paid break. Sa pang-apat na pagkakataon sa araw, iinom na naman ako ng kape at lalabas ng hangar. Ngayon ko lang ginusto ang sikat ng matinding araw ng summer…
1515-1630 hrs: Back to work…
1630 hrs: Naghihintay ng mga iuutos, baka may gawin pa. Kung wala na, pupunta na sa login/logout terminal ng opisina at maglologout.
1645-1700 hrs: Sasakay at bibyahe ng shuttle papuntang Coastal Mall.
1700-1715 hrs: Makikipagpatentero sa iba’t ibang klase ng nilalang para makasakay ng bus pauwi.
1715-1745 hrs: Oras ng biyahe, mapipilitang manood ng Ghost Fighter dahil lahat naman ata ng mga bus, GMA pinapalabas.
1745-1810 hrs: Baba ng RFC, tataya sa Lotto, maglalakad pauwi hanggang sa amin.
1810-???? hrs: Dadating sa bahay, magbibihis ng pambahay, lalamon ng hapunan. Magtutoothbrush pagkatapos maghapunan. Kung may natitira pang enerhiya, magbabasa ng mga kung anu-anong ebooks at manuals, at mag-iinternet, hanggang magkaroon na ng lakas matulog…
???? hrs-0430 hrs: Oras ng tulog…
Wash, rinse, repeat the process until notified otherwise.
Monday, 28-April-2008 at 4:54
woi bigtime ka ka duroy! hahaha!
sa airport ka nagtatrabaho, lufthansa pa.. ahahaha.. pag nakapasa ako ng board i back up mo ako diyan. malaki ata sweldo diyan eh!’
astig astig..
Monday, 28-April-2008 at 11:07
Haha, sa hangar ako ng Lufthansa nakabase, hindi dun mismo sa airport. Small time pa rin sweldo ko hehehe.
Tuesday, 29-April-2008 at 10:07
huwaw!
sosyal!
sana ako rin pag grumaduate eh makahanap rin ng matinong trabaho!
ECE din kasi course ko ej!
gusto ko sana sa Globe o kaya sa GMA!!
hahaha! mapangarap!!!
Ngapopala! Welcomeeeeeeeee!!!!