Noong simula ng buwan, napag-usapan namin ni Tannix tungkol sa isang alay-lakad na madalas ginagawa ng mga Katoliko kapag Semana Santa, at iyon ay ang pagpunta ng mga debotong Katoliko sa Antipolo. Ewan ko ba kung bakit marami napunta doon. Pero, isa sa mga tinatakahan ko, marami sa kanila ang naglalakad papunta sa Antipolo. Di ko alam kung paano nagsimula ang tradisyong ito, pero, sa may simbahan ng Sta. Ana sa Maynila ang simula nito. Meron namang iba, nagsisimula sa may Robinson’s Galleria sa Ortigas. Medyo malapit na iyon kung ikukumpara sa Sta. Ana, pero, malayo pa rin.
Hmmm… boring naman kung kami lang maglalakad, kaya ayun, sinubukan naming mangimbita pa ng iba na mga kaibigan namin sa Mapua. Meron naman na pumayag. Kaya ayun, set na yung plano. Alas siyete ng umaga ng Biyernes Santo. Pero, habang paparating na ang takdang araw, isa-isa silang nalagas…
Huwebes Santo, sinubukan pa naming makapag-yaya. Ok wala nang may gusto. Yung iba, suko na. Ewan ko ba kung ano dapat maramdaman, kaya napag-usapan rin naming kung tuloy pa ba ang plano. Pero, dahil sa mahal naming si Hesus o dahil sadyang maluwag lang talaga ang aming tornilyo, ayun, napagdesisyonan namin na tuloy ang plano. Kung sakaling may gusto pang sumama, ayun sabi namin, itext na lang ako.
Biyernes Santo, walang nagtext sa akin, maliban na lang kay Tannix. Mga alas ocho, ayun, sinimulan na namin ang kalbaryo. Balak pa namin na simulan sa Pedro Gil ang paglalakad. Pero, para talaga katulad na katulad sa nakagisnang “tradisyon,” nagjeep nalang kami papunta sa Sta. Ana Church. Mabuti na lang at ginawa namin yun kundi, patay kami. Malayo rin pala ang simbahan ng Sta. Ana.
Pagdating dun, nagdasal muna kami at tinanong si Manong Guard kung saan kami ihahatid ng mga kalsada sa may paligid ng simbahan. Yung isang kalsada, papuntang Kalentong, na papuntang Shaw Blvd. Ayun na yung dinaanan namin. Doon rin namin nalaman na kalamitan, sa hapon o gabi ng Huwebes Santo ang simula ng lakad. WTF?!?!?! Ayun, andun na rin naman kami, at ginawa na namin ang penitensya namin.
At dahil sa kami lang ang mga halang ang kaluluwang nagtangkang maglakad simula Sta. Ana patungong Antipolo, ayun, kahit papaano, naggala gala pa kami, at nawala. Ang naalala ko na lang, nilakad namin papuntang Kalentong… tapos dumaan kami ng Shaw…
napapuntang Mandaluyong at nakakita ng pusa na naubusan na ng 9 lives…
napapuntang San Juan at nagmuni-muni sa napagtripan naming gawin…
bumalik sa Mandaluyong at nawala sa loob ng Wack Wack…
umikot sa may St. Francis Square…
dumaan sa likod ng Megamall at nakakita ng Japanese/Chinese/Korean citizen na mukhang babae, pero, may mga kakaibang siyang features na nagsasabing hindi siya babae… nagpalaming sa loob ng McDo sa may Ortigas at nilakad ang kahabaan ng Ortigas Avenue Extension…
At narating ang Cainta pagkatapos ng humigit-kumulang 4 oras. Pagdating ng Cainta, napagdesisyonan na magpahinga muna sa bahay nina Tannix. Habang naglalakad papunta sa kanila, ayun, nakakita kami ng “Senakulo.” Buti na lang hindi napagkamalan si Tannix bilang Kristo…
Sa bahay nina Tannix, ayun, nagpahinga kami. Nakipagchat pa si Tannix at doon namin nalaman na yung isang Mapuan na kabarkada namin ay taga Cainta rin pala, at gusto sana sumama. Pero, pagkatapos ng isang oras na kahihintay ng kanyang reply, ayun, hindi rin pala siya pwede. Dali-dali rin kaming umalis na. Naglakad kami palabas ng kanilang village at pagdating sa labasan, dun namin narealize na hindi na namin kayang maglakad habang kalaban ang matinding sikat ng araw sa hapon. Kung sa bagay, malayo-layo rin ang nilakad sa ilalim ng araw. Nagjeep na lang kami papuntang Antipolo.
At pagkatapos ng ilang minuto, ayan…
Biro lang, pababa na kami nyan. Pagkadating dun, marami pa ring tao. Dahil sa sobrang dami ng tao, ang nakuha lang namin na pic ay yung harapan ng altar. Kuha namin ito doon sa taas ng simbahan, sa pwesto ng choir.
Pagkatapos ng ilang minutong pagninilay-nilay at paglilibot sa lugar, ayun. Umalis na din kami. This time, nilakad namin pababa.
Pagdating sa baba ng Taytay, ayun, nagjeep ulit kami pabalik kina Tannix. Pagdating dun, pahinga ulit. Mga alas-sais na ng umalis ako sa kanila. Pero, hindi pa pala tapos ang penitensya ko. WALA AKONG MASAKYAN!!!
Ayun, napagdesisyonan kong lakarin na hanggang Cainta Junction, dahil lahat ng mga sasakyan na papuntang Crossing ay punuan. Baka sakaling makasakay ako doon. Adrenaline na lang siguro ang nagpapaandar sa akin. Malayo-layo rin iyon. Pagdating doon, nakasakay na naman ako papuntang EDSA. Smooth-sailing na naman pauwi. Pagdating sa sakayan ng tricycle sa amin, anak ng tupa, wala namang tricycle! At dahil dun, naglakad na lang ulit ako, kahit na nananakit o kaya’y namamanhid na ang iba’t ibang parte ng katawan ko. Nakauwi naman ako kahit papaano sinimulan ang rough draft nito.
So, ano naman nangyari sa akin pagkatapos nito? Bukod sa nangitim na balat, sunburn sa may batok, nananakit at namamanhid na balikat kakakarga ng backpack na ang dala ay tubig, namamagang likod, pata at paa, at nagkapaltos sa talampakan, siguro, nabawasan din naman ako ng timbang at ng cholesterol sa blood vessels.
Bukod dun? Sense of fulfillment? Siguro. Noong umpisa, trip-trip lang namin. Pero, nung ginawa na namin, nag-iba na pananaw ko tungkol dito. Naalala ko lang yung sinabi ng mabuting ina ni Tannix na bihira na lang raw ang mga katulad naming loko-loko na nagsasakripisyo ng ganito. At ang nakakagulat pa raw, ginawa namin ito ng Biyernes Santo at kung kelan matindi na ang sikat ng araw ay saka kami naglakad. Kahit papaano raw, naranasan namin na magsakripisyo at makiisa kay Kristo, kahit na wala pa sa kalinkingan yung ginawa namin, at hindi na namin nagawang akyatin ang Antipolo. Ewan ko. Sa totoo lang, hindi ko maexplain. Amf, emo…
Tuwing kuwaresma, inaalala natin ang sakripisyo ni Hesukristo para mailigtas tayo sa teritoryo ni Taning. At sa katapusan nito, pinapaalala rin sa atin na tunay na Diyos si Hesukristo, at Siya ang daan para maging imortal tayo este, magkaroon ng buhay na walang hanggan. Di naman talaga kailangan magpakasakit ka sa mga panahong ito para mapatawad ang iyong mga kasalanan. Kailangan mo lang naman iapply yung mga pangaral ni Hesukristo. Kung talagang nagsisisi ka sa kasalanang ginawa mo, kayanin mong huwag na itong maulit muli at pagbayaran ito sa pamamagitan ng paggawa ng mabubuting bagay.
Yun lang at Maligayang Pasko sa inyong lahat! (Pag-isipan nyo mabuti hehehe!)











Saturday, 22-March-2008 at 18:10
andami kong gustong sabihin, ikwento at kung anupaman, pero wala na akong lakas! naubos na kakalakad.
nasunog ang paa ko.
reminders? teka, eto:
wag magchinelas
magbaon ng sumbrero
magbaon ng towel
magbaon ng tubig
magbaon ng payong
magbaon ng ubod ng daming pasensya
kumain ng marami bago maglakad
i-enjoy ang sight seeing at usok
at ang pinakamaganda eh wag ka na lang magkasala para di mo na danasin yung ginawa namen, haha.
biro lang. kung wala kang dedikasyon, sasakay ka talaga ng jeep. siguro nagkakahiyaan lang kame ni dre kaya ayaw nameng sumakay, haha.
Monday, 24-March-2008 at 9:17
hello po! napadaan po sa bahay nyo=) pwede po ba taung exchange ng links? thanks=)
gaganda po ng pics ninyo ah!
baet nyo naman po! at ang sipag mag iglesia ni cristo….=)
dalaw po kayo minsan sa bahay ko..www.riotooth.blogspot.com..wag po kayong mag alala tinali ko po lahat ng aso ko..lols..
Wednesday, 26-March-2008 at 16:09
si tannix at mariano ba ay iisa? hahaha! joke lang..
Thursday, 27-March-2008 at 10:39
hahaha.. funny!! taga saan xa sa cainta? taga cainta ako.. bkt hindi nyo ako inaya? hahahaha =)
Thursday, 27-March-2008 at 16:53
hmm.. parang pamilyar yang canton hair na yan ah.. hmmm….
Friday, 28-March-2008 at 6:48
Wow. Sarap naman niyan. Gusto ko ren sana maglakad ng ganyan kalayo.. Naiinggit ako pag nakakakita ako sa kalsada ng mga taong grupo grupo tapos papunta sa Antipolo. Hmmm..
Kaso hindi naman ako pinapayagan ng mga magulang ko. Kamusta naman yon. Haha
Friday, 28-March-2008 at 8:49
lol…
kulit nung viva NPA…
tapos pitbull
siguro mga NPA na siguro si benj!!!
MGA PITBULL!!!
Tuesday, 1-April-2008 at 5:45
Nasunog kame ni Duroy. Pati paa ko, bumakat yung strap ng chinelas. Taena, fulfilling pero ubod naman ng kupal sa katawan.
Tuesday, 1-April-2008 at 11:40
Duroy… talagang alay lakad ha? Walang paltos?
hehe! Mukhang sakripisyo ang ginawa mo ah… hehe
Anong lesson?
Wednesday, 2-April-2008 at 6:24
@Dakilang Tambay, di ko alam eh hehe
@janelle, hmmm, kung puro lalaki kasama mo, sure ball, di ka papayagan hehe… Sabi nung barkada namin, nagdate daw kami amf…
@Ruth, di ko maalala kung saan eh, basta parang may “brook” sa pangalan… hehe
@Lionheart, di ka nagbabasa… nagkapaltos nga ako hehehe!!!
Saturday, 5-April-2008 at 7:28
Ngek! =)) laughtrip. Hahaha
Sweet naman ng date niyo. Nakakapagod haha
Oonga naman. Kung puro lalake syempre hahahaha baka sumama pa tatay ko hahahahah