Hahaha, sa di malamang kadahilanan, yung kantang “Ulan” ng Rivermaya ang nagpleplay sa playlist ng Winamp ko nung sinimulan kong gawin itong latest entry ng blog ko. At sa kabutihang palad, hindi yung Ulan ng Cueshet ang narinig ko… teka, kasama ba sa playlist ko yun?! Madelete nga, baka napasama… Anyway, nakakatuwang isipin na umuulan na ng malakas. Rainy season na kaya ngayon?
Noong mga nakaraang araw, namromroblema ang Pilipinas dahil sa kakulangan ng tubig. Mababa ang water level ng Angat Dam. Masyadong mainit pa yung panahon na tila extended yung summer season ng Pilipinas. At dahil nagkaleche-leche ang panahon natin na maaaring dahilan ay ang Global Warming, ayun, pati tayo, naperwisyo na rin. Maraming tanim ang nasayang dahil walang tubig, nagkaproblema rin sa kuryente kasi walang magpapaandar sa mga hydroelectric power plants. At ang pinakamalala sa lahat, kumonti ang supply ng tubig para sa pampainom at panligo natin. Imaginin nyo yun, nakakauhaw tapos mainit panahon tapos walang tubig, tapos brownout pa?! Damn…
Ayun, at dahil namromroblema tayo sa tubig, syempre, gawa ng paraan ang gobyerno para mabawasan ang epekto ng problemang ito. May cloud seeding operations ang DOST. Binawasan supply ng tubig. Mga ibang dams ay binuksan na. At ang pinakamagaling sa lahat, ang pag-alaala ng gobyerno sa mga tao na magtipid ng tubig. Amf, hindi na dapat pinapaalala yun…
Syempre, dahil karamihan sa atin ay Kristiyano, at karamihan sa mga Kristiyano dito ay Katoliko, ayun, yung Simbahang Katolika dito ay nagsimula ng nobena para sa ulan.
And prayer works!!! Yeah, may dumaan na mga bagyo sa Philippine Area of Responsibility, pero hindi direct hit. Pero kahit papaano, gumaan ang problema natin sa tubig… pero…
ARGH!!! BAHA!!!
Mukhang love na love talaga ni Jesus ang Philippines at binigyan nya tayo ng 2 bagyo. Pero, kahit na 2 bagyo ang dumaan sa atin, di pa rin iyon sapat para mapataas ng mabuti ang water level sa mga dam. At dahil nga tayo ay Pilipinas… siyempre, pag may bagyo… may kasamang baha, landslides, dengue at kung anu-ano pang delubyo.
Pero pasalamat na rin tayo at kahit papaano, nakatulong nga ito para mabawasan yung problema sa tubig. Kaso, hindi pa rin ito solusyon. Dapat pa rin natin alagaan si Mother Nature, kasi, kahit ilang bagyo pa rin ang dumaan, kung hindi natin siya aalagaan, patay tayo, umaraw man o umulan.
Oops… tama na muna ito. Tignan ko muna labas namin, baka umabot na yung tubig ng instant swimming pool sa loob ng bahay…