Ok… back to the present. Magtatapos na ang Hulyo, pero mukhang may kakaibang nangyayari. Sa di malamang kadahilanan, halos hindi umuulan at mainit. Kabaliktaran ata sitwasyon ngayon kung ikukumpara nung nangyari last hear. Amf… Bakit kaya? Tinupad ng Diyos na humaba sana ang summer para makapagbakasyon ako (hmmm… 2 weeks leave, 1 week dahil sa katamaran at 1 week dahil sa sakit?!) dahil nga sa nabubwisit ako sa summer experiences ko… O dahil sa ibang kadahilanan…
Kapag nanonood ako sa CNN, BBC at iba pang cable T.V. news channels, palagi na lang may balita na kalamidad. Sa ibang parte ng Europe, uso yung heat wave, at dahil dito, nagkakaroon ng forest fires. Marami na rin ata nadedo sa nga taga Europeans dahil sa heat wave na ito. Sa England naman, grabe yung ulan na ikinadulot ng grabeng baha na naranasan ng bansa pagkatapos ng ilang taon. Sa China, as usual, flash floods saka land slides. Eh sa Pilipinas?
Tag-ulan na dapat sa atin, pero hanggang ngayon, madalas pa rin ang tag-init. Hindi pa ata tayo dinadaanan ng mga bagyo. Maaring maganda ito dahil malaking posibilidad na hindi na mauulit agad yung mga trahedya na nangyari last year, pero, sumobra naman ata dasal natin na huwag na maulit ito. Napunta na naman tayo sa isang extreme na sitwasyon. Kung last year, sobra sobra tayo sa tubig, ngayon naman, nauubusan na tayo ng tubig. Bakit ganito? Magugunaw na ba ang mundo? Kung magugunaw na mundo, Diyos ko, bigyan mo ako lakas ng loob na sabihin na sa kanya… AMF
Teka, back to topic… Mukhang gumaganti na sa atin si Mother Nature. Eto na ata yung epekto ng Global Warming. Nasobrahan na tayo sa pagpopollute ng planeta natin at ayun… binabayaran na natin kasalanan natin. Nag-iiba na ata ang klima ng mundo.
Sa ngayon, ang problema pa lang natin, tubig. Pero pag nagtagal to, /kill tayong lahat. Hindi pa naman siguro huli ang lahat. Pero kung sakali lang, mangyayari kaya yung nasa movie na “The Day after Tomorrow?” Maapektuhan kaya tayo? Kung sakalin lang din, Lord, bigyan mo ako lakas ng loob na sabihin na sa kanya… AMF, ANO NA NAMAN NANGYAYARI SA AKIN?!?!?!
Anyway, yun lang muna, at salamat at umulan nung isang araw at kanina… May panligo na rin ako…
Monday, 30-July-2007 at 23:13
well.. sabi ng prof ko sa envi.. abnormal na daw panahon ngayon.. kasi diba sobrang laming noong 1st quarter this year? ang katumbas daw nun ay sobrang init this mid year.. tsaka hindi lang ito problema natin.. pati mga kumakalat na sakit gaya ng diarrhea, sore eyes, lagnat etc..
Wednesday, 1-August-2007 at 4:43
Sisihin natin si Al Gore dahil sa pagbibigay saten ng “awareness” sa mga bagay na ito. Ayan tuloy! Kinabahan ang mga tao! Ahaha!
Wednesday, 1-August-2007 at 7:40
Mas mabuti na bang gawing mang-mang ang mga tao sir? Hehehe…
Pumunta pala si Pareng Al dito, nagconduct ng seminar tungkol sa mga niresearch ng mga researchers niya. Doon ginanap sa kasumpa-sumpang tore ni Y********…
As if hindi naman alam ng tao tungkol dito…
Friday, 3-August-2007 at 8:39
Unconvincing Truth : Global Warmation and Local Warning
Ito nga pala sir, gumawa din ako ng article tungkol sa global warming, hehe.
Na-inspire mo ako!